Archive for philippines

Gising na, Pilipinas Kong Mahal

Posted in Own Story, philippines, Politics with tags , , , on March 19, 2010 by annepotz

Nais ko lamang ipabatid ang mga karumal-dumal na nangyayari sa ating bansang Pilipinas. Marahil nga, kahit sino man sa atin, kung ating susuriin, ang pamamalakad ng ating mga lider mula sa lokal hanggang nasyonal na posisyon ay sadyang napakahina. Mahina sa kadahilanang di naman nasusunod at naipapatupad ng maayos ang mga batas na nagagawa. Bagkus, sila pa nga ang lumalabag nito.

Ayoko na munang mag-Ingles, tutal naman, nasa Pilipinas naman tayo, marapat lamang na gamitin ko ang ating pambansang wika (pwede bang haluan kahit konti, mahirap mag-express eh). Di naman siguro kabawasan sa aking pagkatao kapag ako ay sumulat gamit ang ating sariling wika.

Sa ngayon, nalalapit na naman ang eleksyon. Marami na namang kandidato ang gustong bumango ang kanilang pangalan sa publiko. Kabilaan na ang mga kampanya para masungkit nila ang posisyon sa gobyerno. Isang posisyon na magbibigay sa kanila ng kapangyarihan at kayamanan. Huwag na tayong maging hunghang. Bihira na ngayon ang tumatakbo para magsilbi sa bayan. At mas marami ang tumatakbo sa isang posisyon para magpayaman at maging makapangyarihan. Di na nga uso ang salitang ‘public servant’ ngayon. Nabura na ata sa bukabularyo natin yan. Ang mga public servant kuno sa Pilipinas ay maihahalintulad mo sa isang elitista. Kasi sa aking palagay, di nila kayang lumebel sa karaniwang tao. Mas nagiging mapagmataas na sila kapag sila ay naluklok na sa kanilang posisyon. Nakakalimutan nila na ang mga taong iniisnob nila ay ang mga taong syang naging dahilan kung bakit sila nasa kapangyarihan.

Sa Pilipinas mo lang makikita ang mga ganitong scenario. Magtataka ka pa ba kung bakit tayo ay nahuhuli na sa pag-unlad? Ang Konstitusyon natin na syang batayan para sa pagtupad at pagsasabatas ng mga kautusan ay masyado na atang nakakalimutan. Kailangan pa atang isampal sa mga mukha nila ang libro para maalala nila na dapat ito ay sinusunod.

Kung pwede lang ipagsigawan sa harap mismo ng mga buwayang ito kung gaano kakapal ang kanilang mukha para magawa ang mga ganitong bagay. Kung ang lahat ng proseso sa Pilipinas ay nagagawa ng mabilisan. Oo, may mabilis naman sa Pilipinas kahit paano, ito ay yung pangungurakot nila. Mabilis sila magbulsa ng mga pondo ng gobyerno. Mabilis din lalo  na sa palakasan at pag-unlad ng mga sarili nilang pamilya, at yung sila lamang ang makikinabang.

Paano na tayo nyan? Kung sa susunod na anim na taon at sa mga susunod pang dekada, ito at ito ang mga pangyayari? Baka mamulat na lang tayo bigla, walang-wala nang natira sa Pilipinas kundi ang dagat ng basurang punung-puno ng buwaya (pahiram ng linya).

Hindi ko naman nilalahat ang mga nagsisilbi sa ating gobyerno. May ilan pang natitira na may konsensya at paninindigan bilang isang makataong kawani ng ating gobyerno. Pero mahirap nga lang silang hagilapin.

Ngayong darating na eleksyon, sana naman sa gabay ng ating Lumikha, maging maayos ang lahat (asa pa ako). Kung minsan, gusto din nating umasa na may pagbabago pa nga na magaganap sa Pilipinas, yung maging abot-kamay natin ang kaunlaran, dahil sa sipag, tiyaga, galing at talino na walang bahid ng pangungurakot at katiwalian. Sana ang maihalal na Presidente ay yung may konsensya at pagmamalasakit sa kanyang bayan. Wala namang imposible sa dasal, lalung-lalo na kay Bro. J At dapat, matuto rin tayo na magdisiplina ng ating mga sarili bilang ordinaryong Pilipino. Kailangang sumunod tayo sa mga batas. Di naman kaya ng sinuman ang isang tungkulin kung walang pakikipagtulungan ang kanyang nasasakupan. Magtiwala tayo at wag masyadong maging reklamador. Itapon na natin ang ningas kugon attitude kasi di naman ito nakakatulong. Kung ano ang inumpisahan, dapat tinatapos. At huwag tayong umasa lamang sa mga nanunungkulan, ang pag-unlad naman natin ay nagsisimula sa ating sarili.

Why the Philippines Lack Good Athletes

Posted in Uncategorized with tags , on February 18, 2010 by annepotz

I got hooked on watching the Winter Olympics in Vancouver, Canada. It was fun to watch. I love the feeling of watching the athletes do their thing, go for the gold, the spirit and determination for the win; and most of all the pride in their faces in representing their own countries. I also love it when they fall, and they strive to still get up and manage to continue and give their country a great joy and pride. The resiliency of every athlete is one of the highlights of the Olympics.

If we compare our Philippine athletes with the foreign athletes, I can say, in my own opinion, that we Filipinos have the talent, will and spirit to win. We are just as good as them, or more, we are better than them (forgive me for bragging). Filipino athletes excel in every field or event that they choose. Remember Paeng Nepomuceno, Bea Lucero, and other Olympic winners way back? They were legends, Philippine legends in sports that made us so proud.

Sadly, the Philippines rarely produce good Olympic athletes in the recent years. Mainly because, they are not getting enough support from our Philippine government. The Philippines has more important problems to deal with such as poverty, corruption, rapid population growth and more. Athletes were taken for granted, maybe because the funds and supports to them were being corrupted by officials. We have a lot of good athletes; per se, they just lack training and more improvisation because of the lack of budget. The will to win may decline if you are not getting any support.

Taiwan for example, gives its entire support to its athletes who participated in international events, win or lose. They will be receiving awards and compensations after. But the Philippines? I wonder if they even receive half of their reward.

I envy those countries that are over supportive to their athletes. You can hear the cheering and clapping, speeding up the athlete’s courage to cross the great hurdle in each of their events. If only the Philippines has good leaders that can be attentive to the abandoned field of sports in our country, we can also be a great race that the world can look up to and be famous, because we are great athletes, not just a third world country with corrupt political leaders.

Pait ng Asukal ni Gloria

Posted in philippines, Politics with tags , , , , , , on February 5, 2010 by annepotz

“As demand increases the price goes up which attracts new suppliers who increase the supply bringing the price back to normal.” –LAW OF SUPPLY AND DEMAND

Patapos na nga ang termino ng pangulo ngunit tila humahabol pa rin ang pagtaas ng mga pangunahin bilihin sa merkado. Nariyan na ang problema natin sa asukal ngayon na umaabot pa sa P60.00 bawat kilo. May sumpa ba talaga ang panunungkulan ng pangulong ito? Sari-saring kalamidad ang pinagdaanan ng Pilipinas at katakut-takot na hirap ang dinanas natin.

Sagana naman daw tayo sa produksyon ng asukal, kailangan pa mag-import? Biruin nyo, mag-aangkat tayo ng 150,000 toneladang metriko ng asukal na umaabot sa 2.103 bilyong piso ang halaga. Humahabol ba talaga sa pangungurakot si PGMA? Kailangan talagang sumabay sa trend ng world market ang Pilipinas para maitaas ang presyo samantalang sapat naman ang supply natin. Sasabihin nilang kulang ang supply dahil ang mga mapagsamantalang mga negosyante ay magho-hoarding na naman.

Hoarding ang term  sa economics kapag ang isang produkto ay nabili mo sa murang presyo tapos hindi mo muna sya ibebenta, saka mo na lang ibebenta ng mas mahal kapag tumaas na naman ang presyo.

May mahigit kumulang na 6 bilyong magsasaka ng tubo sa Pilipinas. Kapag nag-import tayo ng asukal, paano na ang kanilang kabuhayan? Imbes na makapagbenta, di na tatangkilikin pa. Maliwanag ang pagpapahirap ng administrasyon sa ating bansa, lalo na sa maliliit. Di talaga nabibigyan ng sapat na atensyon ang sektor ng agrikultura. Mayaman ang Pilipinas sa likas na yaman pero imbes na pag-ukulan ng pansin ito, mas binibigyang-pansin ng ating gobyerno ang pagpapayaman sa sarili nilang bulsa.

Ang pagtaas ng asukal ay parang may domino effect. Pangunahing sangkap yan sa paggawa ng tinapay at kung anu-ano pang produkto. Ang resulta, tataas din lahat ng presyo nila. Sino ang mahihirapan? Eh sino pa nga ba kundi si Juan dela Cruz.

Sa susunod na pangulo, dapat wag papetiks-petiks dahil sa mumunting bagay na di mo mabigyang pansin, magdudulot ito ng paghihirap sa nasasakupan mo. Si PGMA wala nang pakialam yan, eh ano pa nga ba di ba? Patapos na rin lang ang termino nya, why would she care pa? Madami na rin naman syang pera, kahit tumaas pa ang mga yan may pambili pa rin sya. Paano na yung mahirap ang buhay? Baka isang kutsarang asukal ay di na nila mabili pa. Matamis sana yung asukal. Pero nagiging mapait na dahil sa sobrang taas ng presyo.

PBB Double Up Byeeee…

Posted in Entertainment with tags , , , , , on February 5, 2010 by annepotz

Pinoy Big Brother Double Up

Malapit na ang Big Night. Ito’ng season na ito ang pinakakontrobersyal at pinaka-nakakahook panoorin. Lalo na kapag andiyan na ang MELASON. Hindi lang ang jolly personality ni Melissa ang nakakapagpasaya sa mga viewers, idagdag mo na rin ang kilig factor na makikita mo sa kanilang dalawa ni Jason. Ako personally, abut-abot ang kasiyahan ko kapag napapanood ko sila sa primetime. Imagine mo naman, dahil diyan, naging sikat ang love team na MELASON, hindi lang sa Pilipinas pati na rin abroad dahil nga sa TFC (The Filipino Channel). Pati ang nanay ko sobrang natutuwa kay Melai kapag pinapanood niya ito. Ang ingay ng bahay kapag PBB na.

Ang PBB ay sumasalamin nga sa totoong buhay. Pero minsan, over rated din. Maraming nagsasabi scripted ito. Pero kung ikaw ang nasa loob ng bahay, magiging totoo ka kaya o magpapakitang-gilas lang para mapansin ng tao at hindi i-evict? Magpakita ka kaya ng tunay mong pagkatao kapag nasa loob ka na ng bahay ni Kuya?

Sa mga tasks ba mailalabas talaga ang tunay na ugali ng tao? Siguro oo. Ito ay kung paano ka um-attack sa isang situation, kung maganda o mabuti ang intensyon mo. Pero sa isang banda, hindi kaya nagpapakasafe lang ang iba para maging malinis sa paningin ng viewers? Kung susuriin mo namang mabuti, ang hirap maging housemate. Kapag gumawa ka ng mabuti, masasabihan ka ng nagpapaka-playing safe. Kung nagalit ka or sabihin na nating naging masama ang reaction mo tungkol sa isang bagay, masasabihan kang masama ang ugali o maldito/maldita. Doon ko narealize na di pala talaga natin kayang i-please lahat ng tao. Gagawa ka ng kabutihan o kasamaan, mami-misunderstood ka pa rin ng iba. Ang hirap ano?

Naisip ko lang na kapag ako ang sumali sa ganyan, nakakapraning siguro. Kasi ano man ang gawin mo at sabihin mo, pipintasan ka pa rin ng ibang tao. Maganda lang noon, sikat ka sa loob. Tulad nung isang housemate na si Cathy Remperas. Ewan ko, madami syang naging haters, to the point na sabihan na sya ng kung anu-anong salita. Dahil lang sa PBB na yan. Ang tanong ko lang ngayon, may prize din ba yung mga sumasali sa PBB na hindi pinalad pumasok sa Big Four? Kasi imagine, privilege nga talaga ang pumasok sa PBB House kasi nga nakikita ka sa TV, pero paglabas mo naman maaring nabahiran na ang pagkatao mo dahil lang sa isang reality show.

Madalas akong makipagbakbakan ng aking opinion sa site ng PBB. Doon makikita mo ang iba’t ibang opinion ng mga viewers tungkol sa mga housemates. Nasasabihan na nga ako ng tito kong nonsense daw ang pinapanood ko. Sabi ko naman, nakakahook tito eh. At nakikita mo talaga paano magpahayag ang mga tao ng opinion nila tungkol sa behavior ng isang housemate.

Sa totoong buhay bilang viewers, habang nanonood ng PBB, I believe na tayo mismong mga viewers ang lumalabas ang tunay na ugali kapag nakikita natin ang ginagawa ng isang housemate. Tayo ang nagiging star sa sarili nating palabas, kung paano magpakatao. Di naman lahat ng tao perpekto, may kanya-kanya tayong flaws sa buhay.

Ngayong malapit na ang PBB Big Night, eto lang ang sigurado ko, wala na akong pagkakaabalahang panoorin sa gabi. Nakakaboring na manood ng soap operas. Pare-pareho ng plot, nakakasawa. Lahat ang plot magkababata, tapos magkikita after a long time, tapos may ka-love triangle.

Anyway, PBB rocks! Sana manalo ang paborito kong si Melissa. Napaka-candid nya sa lahat ng bagay. Manalo lang sya ok na sa akin yun. Di man sya naging perfect, napasaya naman nya ang marami dahil sa pagiging kalog at happy person. Si Melai dapat tularan. Dahil kahit ano pa’ng problema mo sa buhay, dapat maging happy pa rin at positive.

I’m Dreaming of a Clean Election

Posted in Politics with tags , , , on February 4, 2010 by annepotz

“Jamming devices may delay transmission of election results, but could not alter the votes.” –SMARTMATIC

Do you think the 2010 Elections will be clean and cheat-free? I don’t think so, when we are talking about the Philippines. SMARTMATIC may always inform that the technology that they are providing for the 2010 Elections is cheat-free, I till doubt it. The fact that results will be delayed is not an assurance that there will be no hocus focus in the number of votes. Well come on, did they not perceive this problem before?

How do jamming devices work? Jamming devices overpower by transmitting a signal on the same frequency and at a high enough power that the two signals collide and cancel each other out. The machines to be used by SMARTMATIC will utilize a network signal for the transmission of the results. So, if the signal will be jammed, there will be delay and delay means…you know what happens next. Long delays usually will enable these politicians to manipulate the votes, well, maybe by means of forcing and all that.

The system is still on testing fields, three months away before the 2010 Elections. It is very Filipino. Rush, rush, rush!  There will be a great rush and voila! I know that we need to upgrade the voting system, we must be vigilant. We must familiarize ourselves with the new system of voting for the country’s future depends on who’ll be elected. Ignorance is not good during this time. We must be aware, open our eyes on what we can do.

Sometimes it is very annoying when you hear people say, “Bahala na..” This attitude must be eliminated, not tomorrow, but now, for a better Philippines.