Archive for coffee

Kape Kape Kape

Posted in Health and Fitness with tags , , on February 5, 2010 by annepotz

“Insomnia is a symptom which can accompany several sleep, medical and psychiatric disorders, characterized by persistent difficulty falling asleep and/or staying asleep despite the opportunity.” –WIKIPEDIA

Hindi na naman ako makatulog. Ilang weeks na din. Di ko lang talaga alam kung ano’ng dahilan. Dahil siguro sa pag-inom ko ng hindi bababa sa limang tasa ng kape araw-araw. Kapag ako ang nagkape, gusto ko matapang, pero di naman ako masyado nerbyosa, slight lang. Usually kalahating kutsara ng kape ang nilalagay ko sa bawat tasang tinitimpla ko, ganun ako kalakas magkape.

Ano nga ba ang nakukuha sa kape? According sa research, nababawasan ang posibilidad na magkaroon ng Alzheimer’s Disease, gall stones (bato sa apdo), Parkinson’s Disease. Nagiging mas matalas pa ang memory ng isang tao at tumataas ang Intelligence Quotient (IQ). Nakakatulong din laban sa Diabetes Mellitus at Cancer. May methylpyridinium ito na nagsisilbing antioxidant sa ating katawan.

Naparesearch tuloy ako sa benefits ng coffee nyan. Lahat ng bagay sabi nila, kapag kulang o sobra nakakasama. Heto, epekto ng kape di na naman ako makatulog. Sana mabawasan ko ang pagkakape ko, I long for a good night sleep kasi. Mabuti pa mag-water therapy na lang ako para makatulog na ako ng maayos.