Archive for the philippines Category

Gising na, Pilipinas Kong Mahal

Posted in Own Story, philippines, Politics with tags , , , on March 19, 2010 by annepotz

Nais ko lamang ipabatid ang mga karumal-dumal na nangyayari sa ating bansang Pilipinas. Marahil nga, kahit sino man sa atin, kung ating susuriin, ang pamamalakad ng ating mga lider mula sa lokal hanggang nasyonal na posisyon ay sadyang napakahina. Mahina sa kadahilanang di naman nasusunod at naipapatupad ng maayos ang mga batas na nagagawa. Bagkus, sila pa nga ang lumalabag nito.

Ayoko na munang mag-Ingles, tutal naman, nasa Pilipinas naman tayo, marapat lamang na gamitin ko ang ating pambansang wika (pwede bang haluan kahit konti, mahirap mag-express eh). Di naman siguro kabawasan sa aking pagkatao kapag ako ay sumulat gamit ang ating sariling wika.

Sa ngayon, nalalapit na naman ang eleksyon. Marami na namang kandidato ang gustong bumango ang kanilang pangalan sa publiko. Kabilaan na ang mga kampanya para masungkit nila ang posisyon sa gobyerno. Isang posisyon na magbibigay sa kanila ng kapangyarihan at kayamanan. Huwag na tayong maging hunghang. Bihira na ngayon ang tumatakbo para magsilbi sa bayan. At mas marami ang tumatakbo sa isang posisyon para magpayaman at maging makapangyarihan. Di na nga uso ang salitang ‘public servant’ ngayon. Nabura na ata sa bukabularyo natin yan. Ang mga public servant kuno sa Pilipinas ay maihahalintulad mo sa isang elitista. Kasi sa aking palagay, di nila kayang lumebel sa karaniwang tao. Mas nagiging mapagmataas na sila kapag sila ay naluklok na sa kanilang posisyon. Nakakalimutan nila na ang mga taong iniisnob nila ay ang mga taong syang naging dahilan kung bakit sila nasa kapangyarihan.

Sa Pilipinas mo lang makikita ang mga ganitong scenario. Magtataka ka pa ba kung bakit tayo ay nahuhuli na sa pag-unlad? Ang Konstitusyon natin na syang batayan para sa pagtupad at pagsasabatas ng mga kautusan ay masyado na atang nakakalimutan. Kailangan pa atang isampal sa mga mukha nila ang libro para maalala nila na dapat ito ay sinusunod.

Kung pwede lang ipagsigawan sa harap mismo ng mga buwayang ito kung gaano kakapal ang kanilang mukha para magawa ang mga ganitong bagay. Kung ang lahat ng proseso sa Pilipinas ay nagagawa ng mabilisan. Oo, may mabilis naman sa Pilipinas kahit paano, ito ay yung pangungurakot nila. Mabilis sila magbulsa ng mga pondo ng gobyerno. Mabilis din lalo  na sa palakasan at pag-unlad ng mga sarili nilang pamilya, at yung sila lamang ang makikinabang.

Paano na tayo nyan? Kung sa susunod na anim na taon at sa mga susunod pang dekada, ito at ito ang mga pangyayari? Baka mamulat na lang tayo bigla, walang-wala nang natira sa Pilipinas kundi ang dagat ng basurang punung-puno ng buwaya (pahiram ng linya).

Hindi ko naman nilalahat ang mga nagsisilbi sa ating gobyerno. May ilan pang natitira na may konsensya at paninindigan bilang isang makataong kawani ng ating gobyerno. Pero mahirap nga lang silang hagilapin.

Ngayong darating na eleksyon, sana naman sa gabay ng ating Lumikha, maging maayos ang lahat (asa pa ako). Kung minsan, gusto din nating umasa na may pagbabago pa nga na magaganap sa Pilipinas, yung maging abot-kamay natin ang kaunlaran, dahil sa sipag, tiyaga, galing at talino na walang bahid ng pangungurakot at katiwalian. Sana ang maihalal na Presidente ay yung may konsensya at pagmamalasakit sa kanyang bayan. Wala namang imposible sa dasal, lalung-lalo na kay Bro. J At dapat, matuto rin tayo na magdisiplina ng ating mga sarili bilang ordinaryong Pilipino. Kailangang sumunod tayo sa mga batas. Di naman kaya ng sinuman ang isang tungkulin kung walang pakikipagtulungan ang kanyang nasasakupan. Magtiwala tayo at wag masyadong maging reklamador. Itapon na natin ang ningas kugon attitude kasi di naman ito nakakatulong. Kung ano ang inumpisahan, dapat tinatapos. At huwag tayong umasa lamang sa mga nanunungkulan, ang pag-unlad naman natin ay nagsisimula sa ating sarili.

On Expensive Political Advertisements

Posted in philippines, Politics with tags , , , on February 7, 2010 by annepotz

I wonder where Senator Manny Villar is getting his funds to pay his political ads on television, prints and radio. Well, to some it may not be so surprising, (for we all know that he’s a business tycoon and a billionaire) but apparently the expenditures are so alarming, it has reached more or less P700 million pesos at this point in time, and the official campaign period has not yet started. What more if the campaign period is launched?

He’s really determined to win. He even used the veteran actor, Dolphy to endorse him in one of his political advertisement. Did he really know Villar personally? Totaling all his expenditures in media ads plus the talent fees of every celebrity that he uses in it, the total value will be much bigger than the number of families that are below the poverty line. In addition, he has also exceeded the 120 minutes given to every candidate during the campaign period. Where’s the fairness?

Okay, he’s wealthy. He can use all the money he wants in those ads, but the point is, it is too much. If we try to picture this, he wins the Presidential election, will he acquire all his expenditures from the public fund? Will he use his power as the president so that his business prospects and properties will expand more?

Manny Villar is a businessman. Business people never invest a bunch of their money into something that they will not benefit from. Businessmen always want a win-win situation. They will do whatever it takes to have a good profit. And from what I see, Villar will try even harder to be in the presidential seat, by spending more for those ads.

And I am not impressed by his famous campaign jingle. If you are sincere in helping the nation, be a role model. How can you spend millions and billions if you worked hard for it? A worker who works hard for a little amount of money will be so thrifty enough and wise in spending it. In his case, he throws all “his” money out for his campaign drive, I think it’s a desperate move. If not for the C5 controversy, he would’ve been my presidential bet.

Media can be a great vehicle in campaigning, but voters must be more meticulous in choosing their bet in the appointment of the next head of the nation. These political ads can be very tricky. It can be a façade to a candidate’s real intention; it is a theater where they can leap from being a politician to an actor. We must not be deceived by the candidate’s charming smile and sparkling eyes. Vote wisely, our future depends on it.

Pait ng Asukal ni Gloria

Posted in philippines, Politics with tags , , , , , , on February 5, 2010 by annepotz

“As demand increases the price goes up which attracts new suppliers who increase the supply bringing the price back to normal.” –LAW OF SUPPLY AND DEMAND

Patapos na nga ang termino ng pangulo ngunit tila humahabol pa rin ang pagtaas ng mga pangunahin bilihin sa merkado. Nariyan na ang problema natin sa asukal ngayon na umaabot pa sa P60.00 bawat kilo. May sumpa ba talaga ang panunungkulan ng pangulong ito? Sari-saring kalamidad ang pinagdaanan ng Pilipinas at katakut-takot na hirap ang dinanas natin.

Sagana naman daw tayo sa produksyon ng asukal, kailangan pa mag-import? Biruin nyo, mag-aangkat tayo ng 150,000 toneladang metriko ng asukal na umaabot sa 2.103 bilyong piso ang halaga. Humahabol ba talaga sa pangungurakot si PGMA? Kailangan talagang sumabay sa trend ng world market ang Pilipinas para maitaas ang presyo samantalang sapat naman ang supply natin. Sasabihin nilang kulang ang supply dahil ang mga mapagsamantalang mga negosyante ay magho-hoarding na naman.

Hoarding ang term  sa economics kapag ang isang produkto ay nabili mo sa murang presyo tapos hindi mo muna sya ibebenta, saka mo na lang ibebenta ng mas mahal kapag tumaas na naman ang presyo.

May mahigit kumulang na 6 bilyong magsasaka ng tubo sa Pilipinas. Kapag nag-import tayo ng asukal, paano na ang kanilang kabuhayan? Imbes na makapagbenta, di na tatangkilikin pa. Maliwanag ang pagpapahirap ng administrasyon sa ating bansa, lalo na sa maliliit. Di talaga nabibigyan ng sapat na atensyon ang sektor ng agrikultura. Mayaman ang Pilipinas sa likas na yaman pero imbes na pag-ukulan ng pansin ito, mas binibigyang-pansin ng ating gobyerno ang pagpapayaman sa sarili nilang bulsa.

Ang pagtaas ng asukal ay parang may domino effect. Pangunahing sangkap yan sa paggawa ng tinapay at kung anu-ano pang produkto. Ang resulta, tataas din lahat ng presyo nila. Sino ang mahihirapan? Eh sino pa nga ba kundi si Juan dela Cruz.

Sa susunod na pangulo, dapat wag papetiks-petiks dahil sa mumunting bagay na di mo mabigyang pansin, magdudulot ito ng paghihirap sa nasasakupan mo. Si PGMA wala nang pakialam yan, eh ano pa nga ba di ba? Patapos na rin lang ang termino nya, why would she care pa? Madami na rin naman syang pera, kahit tumaas pa ang mga yan may pambili pa rin sya. Paano na yung mahirap ang buhay? Baka isang kutsarang asukal ay di na nila mabili pa. Matamis sana yung asukal. Pero nagiging mapait na dahil sa sobrang taas ng presyo.