Archive for the Entertainment Category

Why ABS-CBN is the Leading TV Station in the Philippines

Posted in Entertainment with tags , on February 18, 2010 by annepotz

I have to give some credits to the one who posted this comment in www.starmometer.com. It only proves why ABS-CBN is the leading multimedia television station in the Philippines. Credits to:

we are 1! Says:
February 18th, 2010 at 4:58 pm

Take a look and be amazed at how many innovations, technological advancements and Philippines’ firsts ABS-CBN delivered, spearheaded and pioneered:

*Unang TV station sa Pilipinas:
[ABSCBN: BEC (1946) / GMA: RBS (1950)]

*Unang commercial TV broadcaster sa ASIA!:
[ABSCBN: (1953) / GMA: (1975)]

*Unang TV station na nag-introduce ng color television noong 1960s:
[ABSCBN: (1966) / GMA: (1979)]

*Unang TV station na nag-introduce ng TV logo:
[ABSCBN: Sarimanok (1967) / GMA: Rainbow Satellite (1988)]

*Unang TV station na nag-cover ng isang marathon coverage:
[ABSCBN: Halalan ’68 (1968) / GMA: Election ’92 (1992)]

*Unang Tv station na nag-live transmittion sa buong mundo via Satellite!:
[ABSCBN: Apollo 11, Moon Landing (1969) / GMA: Papal Visit ’95 (1995)]

*Unang TV company na nag-introduce ng OB (Outside Broadcast) Van:
[ABSCBN: (1973) / GMA: (1989)]

*Unang TV station na gumamit ng Satellite broadcasting sa Pilipinas:
[ABSCBN: Sarimanok Satellite (1990) / GMA: Republic Broadcasting Grp.
(1998)]

*Unang TV station na nag-established ng regional network group sa Pilipinas:
[ABSCBN: ABSCBN Reg’l. Netw. Grp. (1990) / GMA: RGMA (2000)]

*Unang TV station na nag-taped ng International Telecast:
[ABSCBN: PanAmSat (1990) / GMA: Agila Satellite, owned by PLDT (1997)]

*Unang TV station na nag-exclusive ng international broadcast right:
[ABSCBN: Barcelona Olympic ’92 (1992) / GMA: Bitoys Funniest Videos (2005)]

*Unang TV station na nag-introduce ng terrestial network sa Pilipinas.
[ABSCBN: TFC The Filipino Channel (1994) / GMA: GMA Pinoy TV (2003)]

*Unang TV station na gumamit ng 3D weather forecasting state-of-the- art facilities.
[ABSCBN: (1996) / GMA: (1997-1999) today, none.

*Unang TV station sa Pilipinas na nagwagi sa Asian TV Awards.
[ABSCBN: Asian TV Awards Best Actor, Roderick Paulate, Maalaala Mo Kaya (1996) /
GMA: Asian TV Awards Channel of the Year, 1st Runner-Up (2001)]

*Unang TV station sa Pilipinas na nagwagi ng Terrestial Network of the Year sa Asian TV Awards:
[ABSCBN: (2000, 2001, 2003) / GMA: (2005)]

*Unang TV station sa Pilipinas na nagwagi ng Channel of the Year sa Asian TV Awards:
[ABSCBN: (2002) / GMA: none]

*Unang TV network na nag-introduce ng Film Production:
[ABSCBN: Star Cinema, Inc. (1993) / GMA: GMA Films (1999)]

*Unang TV network na nag-introduce ng Music Recording Co.:
[ABSCBN: Star Records, Inc. (1994) / GMA: GMA Records (2002)]

*Unang TV station na nag-introduce ng Interactive Media Website:
[ABSCBN: ABSCBN Interactive, abs-cbn.com (1996) / GMA: iGMA.tv (2001) renovated: 2004]

*Unang TV station na nagkaroon ng Secondary Terrestial Channel sa Pilipinas:
[ABSCBN: AMCARA broadcasting c/o MTV Asia channel 23 (1991) / GMA: Citynet 27 (1997) now, QTV (2005)]

*Unang TV Secondary Terrestial Channel na nag-success until now:
[ABSCBN: Studio 23 c/o MTV Asia (1996) / GMA: Citynet 27 (1997) now, QTV (2005)]

*Unang TV station na nag-introduce ng Online Stream:
[ABSCBN: PinoyCentral. com (1999) / GMA: iNQ7.net (2003)]

*ABSCBN vs GMA: Unang FM radio station:
[ABSCBN: WRR 101.9fm (1996, Sep) / GMA: WLS 97.1fm (1996, Dec)]

*ABSCBN vs GMA: Unang AM radio station:
[ABSCBN: DZAQ AM (1967) now, DZMM 630khZ (1986) / GMA: DZBS AM (1974) now, DZBB 594khZ (1988)]

*Unang Tv station na nagkaroon ng Live Stream sa Internet:
[ABSCBN: ABSCBN Now! (2002) / GMA: iGMA.tv (2004)]

*Unang TV station na na-established ng Foundation:
[ABSCBN: ABSCBN Lingkod Bayan Foundation (1992) / GMA: Kapuso Foundation (2003)]

*Unang TV station na nag-introduce ng fun run:
[ABSCBN: Takbo para sa Kalikasan (2000) / GMA: GMA Fun Run (2004)]

*Unang TV station na gumamit ng single-word slogan:
[ABSCBN: Kapamilya (2002) / GMA: Kapuso (2003)]

*Unang Tv station na may pinakamaraming nanood ng sabay-sabay ng isang tv event sa isang araw sa kasaysayan:
[ABSCBN: Hataw Pacquiao, Laban ng Bayan (2006) / GMA: none at this time]

*Unang Locally TV Produced TV station na nag-produce ng programa na nakakuha ng Pinakamataas ng Ratings sa kasaysayan:
[ABSCBN: Hataw Pacquiao, Laban ng Bayan (2006) / GMA: none at this time]

*Unang TV station na nag-hit ang isang Asianovela (orig. from Taiwan)/ Unang TV station na nagpalabas ng Asianovela sa Pilipinas / at Pinakamataas na Ratings sa lahat ng Asianovela sa kasaysayan, 57.2%:
[ABSCBN: Meteor Garden (2003, May) / GMA: 5566 (2003, Nov)]

Note: Ang IBC ang pinakaunang tv station na nagpalabas ng Asianovela, pero hindi pa kilala ang word na Asianovela noon, yun ay yung Amazing Twins! Pero ang Amazing Twins ay hindi sakop ng IBC 13 at ito ay handle ng VTV – Viva television (Primetime Block lamang ng IBC noon, kasabayan noon yung Who wants 2 be a Millionaire, Weakest links, etc. However, mas nauna pa rin ang ABS-CBN kaysa sa GMA sa pag-introduce ng Asianovela. Period!

*Syempre, Unang Tv station pa rin na nag-introduce ng Koreanovela sa Pilipinas:
[ABSCBN: The TRUTH (2003, Sep) / GMA: Endless Love (2003, Nov)]

*Unang TV station na nakakuha ng Pinakamataas na Ratings na Koreanovela:
[ABSCBN: Lovers in Paris, 53.6% 3rd to finale episode (2004) / GMA: Jewel in The Palace, 48.4% as of (March 29, 2006)]

*Unang TV station na nag-introduce ng nationwide caravan:
[ABSCBN: Kapamilya Caravan (2003) / GMA: GMA Kapuso Karavan (2005)]

*ABSCBN vs GMA: Unang Tv station na nag-aired ng Latin Telenovelas:
[ABSCBN: Maria Mercedes (1996) / GMA: Agujetas de Color de Rosa (1997)]

*Unang TV station na nagkaroon ng Locally Teleserye/Soap Opera Series:
[ASBCBN: Mara Clara (1991) / GMA: Ikaw lang ang Mamahalin (1998)]

*Unang TV station na nagkaroon ng Primetime Block:
[ABSCBN: 5 to Sawa! (1997) today, Primetime Bida, year 2002 / GMA: Telebabad (2004)]

*Unang TV station na nagkaroon ng signing contract sa International Rights:
[ABSCBN: Endemol (2005) / GMA: (yung sa celebrity duets) 2007]

*Tanging TV station na nagkamit ng pinakamaraming incoming text (votes) sa kasaysayan:
[ABSCBN: Star Circle Quest Grand Questors Night “Sandara Park” highest votes: 1.858 million votes (2004, April) / GMA: Starstruck Final Judgment “Rainier Castillo” votes: 1.397 million votes (2004, Feb)]

*Unang TV station na nag-established ng talent center and workshops:
[ABSCBN: Talent Center (1993) / GMA: Artist Center (2001)]

*Pinakaunang TV station na gumawa ng TeleFantasya/ Fantaserye Series sa Pilipinas!!!
[ABSCBN: MARINA (2004) / GMA: Marinara (comedy) (2004 din)]

ABSCBN: One of the world’s Most Modern Broadcasting Facilities in the World! Lining up with CNN Atlanta, ABC New York, CBS Los Angeles, CCTV Shanghai and Hongkong, NHK World Tokyo and BBC London.

ABSCBN: Only Sophisticated Broadcasting Center in Asia Pacific!

ABSCBN: Tanging network sa Pilipinas ang gumagamit ng pinakamatagal ng seal slogan hanggang ngayon: “In the Service of the Filipino” since 1990s

ABSCBN: Humanitarian Services: Bantay Bata, Bantay Kalikasan, ABSCBN Bayan Foundation.

ABSCBN: Ang nananatiling pinakamalaki at pinakamalawak na broadcasting network and multimedia company sa Pilipinas.

ABSCBN: Unang broadcasting company sa ASIA na nag-live feed throughout Asia from Europe para sa Ms. Universe 1969 kung saan tamang-tamang
nanalo ang Ms. Phils. c/o Ms. Gloria Diaz noong 1969.

ABSCBN: Tanging TV station na umabot ng 49.2% Audience Share sa Metro Manila.(ewan ko lang ngayon, manipulated–>marimar?)

ABSCBN: At, tanging TV station din na umabot ng 72.1% Audience Share sa buong Pilipinas.

ABSCBN: Unang TV station na nag-exclusive broadcast right sa buong mundo, Ms. Universe 1994.

ABSCBN: Unang TV station na umabot sa 58% Ratings ng isang programa sa Pilipinas, Esperanza (1997).

ABSCBN: Unang TV station sa buong ASIA na ang Ratings ay umabot sa 78.3% Ratings ng isang programa sa kasaysayan, Rosalinda (2000).

ABSCBN: Unang TV station sa buong ASIA PACIFIC na umabot sa 83.5% Ratings ng isang TV Event sa kasaysayan, Hataw Pacquiao, Laban ng
Bayan, 2006.

ABSCBN: Affiliates: Myx, ANC ABSCBN News Channel, Cinema One, Lifestyle Network, Knowledge Channel.
(Some of the PRESENT programs/segments of ABS-CBN copied by GMA)

ABSCBN VS. GMA

Ala Singko Y Medya (now, Magandang Umaga Pilipinas) vs. Unang Hirit (nanindigan para mas matagal sila)
Morning Girls with Kris and Korina vs. Sis (ganun din! papaabutin ng 10 years, kahit nakakasawa)
Pera o Bayong (1 Million pesos) MTB, now on Wowowee! vs. Meron o Wala (now, Laban o Bawi P1M) Eat Bulaga (ganun din!)
Star Circle Kid Quest vs. Starstruck Kids (mas sikat pa rin ang SCQ kids)
TV Patrol (now, TV Patrol World) vs. Many GMA News Progs. like Saksi with Mike Enriquez (Now, 24 Oras)(ayoko ng palengkerong newscaster, ganyan ba ang newscaster, dapat matino at hindi mabilis at pinagtatawanan, diba?)
TV Patrol with Korina Sanches and Julius Babao vs. 24 Oras with Mel Tiangco and Mike Enriquez (grabe! talaga!)
Star Patrol vs. Chikka Minute! (pati un?)
Pulis Patrol vs. Alerto 24 (at eto pa?)
The World Tonight (now, Insider) vs. GMA Network News (now, Saksi) (I remember…
Star In a Million vs. Pinoy Pop Superstar!!! (kita ang ebidensya!)
The Correspondents vs. i-Witness
Little Big Star vs. Popstar Kids (on QTV) (kita rin ang ebidensya!)
MAALAALA MO KAYA vs. Magpakailanman (mas lalo na ITO!!!)
Super Laff-in vs. Bubble Gang (I remember)
Mga Imbestigador Ng Bayan vs. Imbestigador (yeah, i know si Ted Failon pa nga iyun)
Balitang OFW (on ANC) vs. Pinoy Abroad (i see, parehong pareho, kala nyo di ako nanonood ng ANC ha?)
Kontrobersyal (before Celebrity) now, Current Affairs Prog. vs. Showbiz Stripped (kasi ito eh! gaya gaya rin)
ASAP vs. SOP (of course!!!)
ASAP Fanatic vs. Gigster (Mas lalo na ito, kita ang ebidensya, same na same ang format!)
The Buzz vs. S Files (3 host din?)
Nginnig vs. Kakaba Kaba – Wag kukurap – Kakaba Kaba Boo with chakadoll! Then, back to Wag kukurap (nauwi sa wala!)
Wansapanataym (before) vs. Mahiwagang Baul (pati Sunday schedule, ginaya rin!)
Going Bulilit vs. Bubble Gang Junior na naging Kids and then gone! (di nila kaya!)
Rated K vs. Kapuso mo, Jessica Soho (puro kainan ang alam!)
Marina vs. Marinara
Komiks vs. Fantastikids (ba un?) replace Wag Kukurap (eto pa?)
SNN vs. Chik Minute explosive

Enough said.

KUDOS Melissa Cantiveros: PBB Double Up Big Winner

Posted in Entertainment with tags , , , on February 14, 2010 by annepotz

Sobrang owvheeer ang mga pangyayari kagabi! I was pretty excited to watch the Pinoy Big Brother Double Up, hoping na manalo si Melissa Cantiveros aka Melai. Super naging tensed ang bahay namin habang inaannounce ang mga 5th, 4th and 3rd placers respectively.

Di naman ako super fanatic, but when they announced that Paul Jake was the 2ng Big Placer, voila! I shouted with freat joy, and I also was a bit teary-eyed because of happiness dahil nanalo si Melai!

Congratulations Melai, you deserved to be a big winner, kahit ano pa ang sabihin nila. She gave the BB house the glee and glow kaya sobrang ang daming nahooked, and I was one of them! Kudos to all!!! Will be waiting for the PBB Teen Edition Season 3..can’t wait, I’m sure it will be another great and top rating show!

PBB Double Up Byeeee…

Posted in Entertainment with tags , , , , , on February 5, 2010 by annepotz

Pinoy Big Brother Double Up

Malapit na ang Big Night. Ito’ng season na ito ang pinakakontrobersyal at pinaka-nakakahook panoorin. Lalo na kapag andiyan na ang MELASON. Hindi lang ang jolly personality ni Melissa ang nakakapagpasaya sa mga viewers, idagdag mo na rin ang kilig factor na makikita mo sa kanilang dalawa ni Jason. Ako personally, abut-abot ang kasiyahan ko kapag napapanood ko sila sa primetime. Imagine mo naman, dahil diyan, naging sikat ang love team na MELASON, hindi lang sa Pilipinas pati na rin abroad dahil nga sa TFC (The Filipino Channel). Pati ang nanay ko sobrang natutuwa kay Melai kapag pinapanood niya ito. Ang ingay ng bahay kapag PBB na.

Ang PBB ay sumasalamin nga sa totoong buhay. Pero minsan, over rated din. Maraming nagsasabi scripted ito. Pero kung ikaw ang nasa loob ng bahay, magiging totoo ka kaya o magpapakitang-gilas lang para mapansin ng tao at hindi i-evict? Magpakita ka kaya ng tunay mong pagkatao kapag nasa loob ka na ng bahay ni Kuya?

Sa mga tasks ba mailalabas talaga ang tunay na ugali ng tao? Siguro oo. Ito ay kung paano ka um-attack sa isang situation, kung maganda o mabuti ang intensyon mo. Pero sa isang banda, hindi kaya nagpapakasafe lang ang iba para maging malinis sa paningin ng viewers? Kung susuriin mo namang mabuti, ang hirap maging housemate. Kapag gumawa ka ng mabuti, masasabihan ka ng nagpapaka-playing safe. Kung nagalit ka or sabihin na nating naging masama ang reaction mo tungkol sa isang bagay, masasabihan kang masama ang ugali o maldito/maldita. Doon ko narealize na di pala talaga natin kayang i-please lahat ng tao. Gagawa ka ng kabutihan o kasamaan, mami-misunderstood ka pa rin ng iba. Ang hirap ano?

Naisip ko lang na kapag ako ang sumali sa ganyan, nakakapraning siguro. Kasi ano man ang gawin mo at sabihin mo, pipintasan ka pa rin ng ibang tao. Maganda lang noon, sikat ka sa loob. Tulad nung isang housemate na si Cathy Remperas. Ewan ko, madami syang naging haters, to the point na sabihan na sya ng kung anu-anong salita. Dahil lang sa PBB na yan. Ang tanong ko lang ngayon, may prize din ba yung mga sumasali sa PBB na hindi pinalad pumasok sa Big Four? Kasi imagine, privilege nga talaga ang pumasok sa PBB House kasi nga nakikita ka sa TV, pero paglabas mo naman maaring nabahiran na ang pagkatao mo dahil lang sa isang reality show.

Madalas akong makipagbakbakan ng aking opinion sa site ng PBB. Doon makikita mo ang iba’t ibang opinion ng mga viewers tungkol sa mga housemates. Nasasabihan na nga ako ng tito kong nonsense daw ang pinapanood ko. Sabi ko naman, nakakahook tito eh. At nakikita mo talaga paano magpahayag ang mga tao ng opinion nila tungkol sa behavior ng isang housemate.

Sa totoong buhay bilang viewers, habang nanonood ng PBB, I believe na tayo mismong mga viewers ang lumalabas ang tunay na ugali kapag nakikita natin ang ginagawa ng isang housemate. Tayo ang nagiging star sa sarili nating palabas, kung paano magpakatao. Di naman lahat ng tao perpekto, may kanya-kanya tayong flaws sa buhay.

Ngayong malapit na ang PBB Big Night, eto lang ang sigurado ko, wala na akong pagkakaabalahang panoorin sa gabi. Nakakaboring na manood ng soap operas. Pare-pareho ng plot, nakakasawa. Lahat ang plot magkababata, tapos magkikita after a long time, tapos may ka-love triangle.

Anyway, PBB rocks! Sana manalo ang paborito kong si Melissa. Napaka-candid nya sa lahat ng bagay. Manalo lang sya ok na sa akin yun. Di man sya naging perfect, napasaya naman nya ang marami dahil sa pagiging kalog at happy person. Si Melai dapat tularan. Dahil kahit ano pa’ng problema mo sa buhay, dapat maging happy pa rin at positive.